FUCK!

Kung sino man nanghack ng blog ko before.. please return my pictures there! argghh!!!!

Sunday

USAPANG PAGKAIN :)




               Isang BUSOG na gabi sa inyong lahat! Grabe ang takaw ko ngayong araw. Wala ako ginawa dito sa bahay kung hindi kumain. Paano ba naman iniwan ako nila mama dito mag isa sa bahay. Pumunta sila lahat sa SM cta.mesa at namili.

               Simula pagkagising ko eh kumain na kagad ako ng pritong itlog. Sinudan agad ito ng tanghalian, ang sarap ng ulam namin and I can't really resist haha BATSOY ang ulam namin! Ang dami ko nakain.

               Pagkatapos ay nanuod muna ako ng television. Habang nanunuod ako ay kumakain ako ng chocolate wafer at ng strawberry juice. Natatawa nga ako kung bakit kumakain kagad ako eh kakatapos ko lang ng tanghalian.


                 Naglaro muna ako ng Plants vs. Zombie at habang naglalaro ako alam niyo ba ginagawa ko? haha malamang kumakain nanaman haha! Kumain ako ngfita biscuit. Halos isang oras ako naglaro. Nagutom ako. Naramdaman ko na nagagalit nanaman ang aking haring bulate sa loob ng tiyan ko.

                 Sa pagkakataong ito, ayoko na ng batsoy. Kumuha ako ng adobong pusit at lumamon ng marami. haha. Ang sarap ng luto eh, humahagod. Hinugasan ko na ang plato. at nag peysbuk.

                 Dumating ang kapatid ko dito sa bahay. Mag cocomputer daw siya. Hiwalay kami. Siya sa desktop at ako naman sa laptop. Walang pakielamanan haha. Siyempre dumating ang kapatid ko kaya't kelangan ko mag-isip kung anu ipapakain ko sa kanya.

                 Binuksan ko ang ref at may nakita akong hotdog. Binuksan ko at nagluto ako. Sabi ko para sa kapatod ko to at hindi sa akin. Nang naluto na, ipinakain ko na sa kanya, naiinggit ako! Kaya nagluto din ako ng para sa akin.! Grabe talaga!

                 Gabi na!. Dumating na sila mama. May dalang deserts. Ayun kumuha ako ng  brownies at Coca cola zero haha kain nanaman!

                 At ngayon naman, habang sinusulat ko ito ay kumakain ako hahah! eto oh, Ice cream na dala ni mama. Sarap eh.

                 Walang kapaguran ang bunganga ko ngayon. Alam ko may kasalanan nannman ako nito at yun ay ang pagiging matakaw pero ngayon lang naman. Alam ko marami diyang nagugutom at walang makain pero anung  magagawa  ko.

                 Sadyang gutomin lang talaga ako ngayong araw, bumawi lang ako sa mga araw na nalipasan ako ng gutom. Bukas, normal na ulit. Basta ang mahalaga naging masaya ang araw ko ngayon dahil nakakain ako ng wasto ngunit hindi tama hahaha :))

                

Wednesday

Petiks week is next to exam week!



Exams exams exams! This what i hate most nung ako ay nagsimulang pumasok sa kolehiyo.

Ibang iba ang exams sa college. Yung tipong wala ka na talaga panahon mag-aaral tapos bibigyan ka pa ng 2-3 exams sa isang araw lang.

                     Naalala ko lang na kapag sinabing prelims  at finals, naku sasabihin ko sa sarili ko PUYATAN nanaman ito at kung may puyatan, may STRESS na mamamalagi sa katawan ko :) Yun yung mga tipong sinabi na na exam week next week pero wala ka padin inaaral at kung kailan naman kinabukasan na yung exam, dun ka palang mag aaral at ang masakit nun wala ka pala notes o hindi mo alam ang aaralin. hahaha :)

                     OO nga pala, kaya pala ako napasulat dito sa mahiwagang blog ko eh kakatapos lang ng prelim exams namin kanina. hahaha. Nakakatuwa lang kasi hindi talaga ako natutulog kapag exams. Pagdating ko kanina, ayun natulog ako bigla sa kama at pagkagising ko kumain na at walang iniisip na kung aaralin. In short, PETIKS mode nanaman ulit! hahaha

                     Anu nga ba ginagawa kapag petiks? Marami pwede gawin no. Magiisip ka lang ng gawain na nakaktamad at petiks na ang tawag dun hahahah :) Ilan sa petiks mode na ginagawa ko.

                       - Pa facebook facebook nalang

                       - maging ibon sa twitter

                       - maging tsismoso sa YM

                       - magtexttext sa kung sino sa phonebook mo

                       - maging patabaing baboy

                       - maging mantika sa pagtulog

                       - mangulit ng kapatid

                  
                   Wala ng ginagawa, wala pang problema iisipin kaya kung ayaw mo ng problema maging petiks ka nalang para masaya. Naalala ko minsa, naging petiks ako hindi ko alam kinabukasan na pala yung ipapasang project sa isang subject ko sa eskwelahan. Natatawa nalang ako kapag naalala ko si yung guro ko dun, si Ma'am Alonsabe ata yun haha.

                  Ang sarap maging petiks. hahaha.Pahiga higa, patext text, pakain kain, panuod nuod :)) Yun nga lang kapag naging petiks ka at sumobra naman lagot ka sa leader mo sa research kasi wala kang ginagawa para sa thesis niyo hahaha :)))

                  Sige na, maliligo na ako! :)

Monday

Ang swerte sa gitna ng malas (08-09-10)

        

              Gumagalaw ang mundo natin. Guamagalaw na parang lumilindol. Guamagalaw na parang bumabagyo. Sa ngayon ang pag galaw nito ay huminto sa akin para sa akin, sumisikip at lumalim.

               Hindi umayon ang magandang kapalaran sa akin nitong huling mga araw. Marami ang nagbago. May mga umabuso. May mga bumalik sa alaala, may lumipad at higit sa lahat may isang malaking pagsubok ang sa akin ay naghihintay. Pagsubok na may kinalaman sa ibang mundo ng aking buhay. Minsan nga naisip ko, wala na bamakakatanggap sa lahat ng ginagawa ko?

               Akala ko magtutuloy tuloy na 'to. Sabi ko nga sa tropa ko, "Kapag 'tong gagawin ko hindi tumalab, tanggapin nalang natin na ganito talaga buhay natin. Puno ng pagpapanggap, puno ng pagpapaliwanag at  puno ng mga nasirang pagkakaibigan dahil lamang sa isang walang kakwenta kwentang bagay."

               Akala ko, ang malas ay magtutuloy tuloy ngayong linggo pero hindi pala dahil may isang pangyayari ang nagpagaling sa magulo kong pagiisip. Pangyayari na nakapag isip sa akin na masarap pala talaga mabuhay.

            Kanina lamang mga bandang alas-10 y medya ng umaga pagkatapos ko magturo. Hinanap ako ng magulang ng isang bata. Kinakabahan ako,akala ko papagalitan ako kasi hindi normal na tawagin ka ng isang magulang lalo pa't isa ka lamang practicumer. Ganito ang naging usapan.

Parent: Sino si Teacher Mec?

Mec: Ako po mommy. May problema po ba?

Parent: ah wala. Gusto ko lang sabihin sa'yo na ang galing galing mo magturo. Natatandaan ng anak ko lahat ng nangyari sa istorya na kinuwento mo sa kanya. Yun yung 5 chinese brothers.

Mec: Talaga po? Wow. Thank you po mommy.

Parent: Yung transition ng pagkakakuwento niya sa akin ay buo pati yung values ay naintindihan niya.

Mec:Thank you po. Ang galing naman.

Parent: Thank you ha. Eto oh. Pangmeryenda niyo. (Nagbigay si mommy ng maraming Puto pao)

              Ang pangyayaring ito ang nakapagpasaya sa akin. Imagine, yung maapreciate ka nga lang ng students mo eh okay na, anu pa kaya kung parent na ng estudyante ang nagsabi sa yo na magaling ka at nagpapasalamat pa dahil naturuan ko ng sapat ang kanyang anak.

              Ang galing! Kahit hindi ka naapreciate ng mga taong malalapit sa yo ang mga bagay bagay kahit ito ay walang kwenta, may mga tao din naman pala na gusto ka pasalamatan dahil sa ginagawa mo at yun ang may kwenta.

              Dumaan ako sa simbahan kanina at nagpasalamat. Nagpasalamat ako sa Diyos sapagkat hindi niya ako pinapabayaan. Kung tutuusin nga ang problemang nabanggit ko sa taas ay hindi naman ganoon kalala at kung tutuusin eh mas malaki pa ang problema ng mga tao dito sa bansang pilipinas.

              Hindi pala kailangan magmukmok. Ang tanging kailangan pala ay pagpapayaman at pagpapabuti sa ugali lalo na kung ito ay katanggap tanggap sa mata ng nakakarami. Maraming tao diyan ang naghihintay pa sa mga gagawin kong mga hakbang sa buhay, maliit man o malaki kasama ang mga tunay na kaibigan na tanggap ka bilang ano ka. :)

           

Saturday

California Gays Music Video To Katy Perry California Gurls Parody (08-07-10)

Ang guro na masungit (08-02-10)

May kilala ako na guro na sobrang sungit!  Kilala niyo ba siya?

Siya ang guro na

-masungit
-matapang
-palaban
-magaspang ang paguugali
-dalaga

Minsan nga hinahamak na niya ang mga ibang tao para mapakita na siya ay maipluwensyang tao. Hindi katanggap tanggap ang ganitong pag-uugali sa ating mga guro pero bakit kelangan niya maging ganon? Ang hirap makisama sa ganitong klase ng guro pero kailangan nating pakisamahan.

Buti nga kung makuha mo ang loob niya, eh di mas maganada. Yun na nga lang, kahit makuha mo ang loob niya, ganoon parin ang pakikitungo niya sa ibang tao.

Peo sa kabila ng kanyang magaspang na pag uugali, may isang karamdaman siya na iniinda. May sakit kasi siya na kailangan niya labanan, kaya minsan eh iniintindi nalang namin ang  kanyang pag-uugali.

Ang gulo nga eh, hindi mo alam kung maiinis o maawa ka sa kanya sa kabila ng mga pinapakita at ikinukwento niya sa amin.

Ang gulo.

Acceptance (07-26-10)

Isang pagsisimula sa isang mabuting pagkakaibigan. Ano nga ba ang dapat gawin sa mga taong nanloko sa yo? Eh di patawarin at tanggapin kung ano ang nangyari.

Nagkausap na kami ng kaibigan ko last time. Narinig ko na sasabihin niya. Ako sinabi ko rin ang gusto ko sabihin. Naliwanagan na ako. Ang gusto ko lang ay makapag isip ng kung ano ba dapat ang kailangan kong gawin. Saan ba dapat magsimula? Saan ba dapat magtapos?

Ang tanging naisip ko lang eh patawarin yung mga tao na dapat patawarin at tanggapin ang bawat kamalian, Hindi ako sanay na magtanim ng sama ng loob. Parang binubulok mo lang yung hindi dapat mabulok. Bakit ba kasi nangyari lahat ng ito. Naninibago kasi ako sa transition ng pakikisama ko sa bawat isa sa mga kaibigan ko.

Wala na ako magagawa, Nangyari na ang dapat mangyari. :) Basta move on nalang at dapat walang tinatagong sama ng loob para mas maging masaya ang mabuhay ng matiwasay at masagana.

Sana balang araw eh ako naman tanggapin ng mga taong nakapaligid sa akin pag dumating yung panahon na nagkamali ako o may malaman man sila sa akin.


:))

Silent Hill (07-08-10)

          Silent Hill origins is a hell game for me! The best Action Horror series so far.

          Travis! Travis! Travis! ikaw na ang matapang! haha! Ang ganda ng gameplay ng Silent Hill.

Rating (1-10)

Gameplay: 10 stars

Cinematics: 10 stars

Sound effects: absolutely 10!

           This story evolves in the life of Travis who rescued a girl who was burned inside a house. Gusto niya malaman kung nakaligtas ba yung batang babae mula sa pagkakasunog  nito sa bahay. Then, he discovered that there were some sort of witchcraft that is going through inside the silent hill.

            Expect the unexpected kapag nilaro niyo ang Silent Hill lalo na kung lalaruin niya with your headset on, dead lights and pure attention to the screen. Tignan natin kung nu mangyayari sa inyo.

            Silent Hill Origins will be my best video game so far.

Betrayal of a friend (06-29-10)

     Nakakalungkot isipin minsan na kund sino pa yung pinagkakatiwalaan mo ng husto eh yun pa yung mang-iisa sa yo.

     Ang hirap tanggapin na yung kaibigan mo eh iisahan ka doon pa sa taong mahal mo.

     Ang hirap. Mahirap talaga magtiwala ngayon.Hindi mo alam kung sino yung pagkakatiwalaan mo sa hindi.

     Siguro sa panahon ngayon, kelangan mo muna talaga makilala ang isang tao bago mo sabihan ng totoo mong nararamdaman.

     Saan ka makakakita ng kaibigan na harap harapan kang lolokohin at iisahan. Alam na nga niya yung ginagawa niya eh itutuloy pa. Basta ang hirap talaga tanggapin yung ganun. Hindi ko nga alam kung tunay bang kaibigan o hindi eh.

              Gusto ko siya kausapin. Gusto ko marinig paliwanag niya. Gusto ko marinig sasabihin niya. Basta gusto ko. Hindi ko kasi kayang manakit ng tao kaya hindi ko kayang manapak o kung ano.

              Doon naman sa babaeng kilala ko, i just dont know kung bakit ganon nangyari sa amin at sa kanila. Alam ko na ngayon na mastimbang yung kaibigan ko kesa sa akin.Bahala na ang mangyari. Hindi ko kayang tanggapin.

              Nanghihinayang lang ako sa friendship na nabuo sa aming tatlo. kailangan bang mawala yon? Hindi ko na kasalanan yon! Kasalanan na yon ng mga tao na nagloloko sa mga kaibigan nila.

              Kung kailan ako magbabagong buhay, doon naman naagaw yung gusto ko. Mas madali pa nga kumuha ng mamahalin sa mundong ginagalawan ko eh pero ayoko kasi gusto ko sa normal na buhay naman.

              Bahala na si Batman. :(

HAPPY BIRTHDAY YANA! (06-21-10)

                   Birthday ni yana kahapon (yung nasa gitna ng pic). Syempre invited ako :) Medyo nalate kami ni Andrew, paano ba naman ang lakas ng ulan! Parang bagyo lang. May daga pa kong nakita na lumalangoy sa baha ang laki laki tapos may isa pang daga na nahihirapan na lumangoy hahah :P Buti sa may ortigas eh mataas ang lugar at ayos ang drainage system kaya hindi baha.

                   Pagpasok namin sa hotel, wala sila yana. Nagsiswimming ang tatlong sisiw sa pool sa 2nd floor. Yung kapatid ni Yana ang nagbukas. After ilang minutes. May kumatok, aba mga daring ang suot ng tatlong sisiw hahah. In fairness, ang sesexy ng mga    kaibigan ko. :)) Sunod na dumating si Migz at si Coleen. Ayun kainan..

                   Pagkatapos ng kainan, eh nagpasya ang mama ni yana na kumuha pa ng isang room na pwede kami magstay para di na kami pumunta sa metrowalk. Ayun, naginuman na kami pagkatapos hanggang dun nalang! hhahah :)

                   Alas singko y medya na ng umaga pero gising pa kami ni Coleen. Napagpasyahan ko na yayaain nalang si Coleen magswimming. hahah ang lamig kaya sa lobby. Yung pool din malamig haha parang tanga lang kami ni coleen kasi tawanan lang haha.

                   Alas tres na ata ako nakauwi kanina. Natulog nalang ako.Sarap matulog kapag pagod.

                    eto pala some pics:


        

PASUKAN NA! (06-07-10)

                  Ilang days nalang at pasukan na!. Student Teacher na pala ako!  May mga students na akong ihahandle. Wala nang atrasan to kaya all set na ako! Syempre nakakamiss din ang mga kaklase na may ibat ibang ugali! :) hahah

                  Nagpunta pala ako sa m kanina, ewan ko umuulan ng cute mga pare at mare! haha :) Bumili ako ng isang t-shirt na gusto ko.  Ewan ko bakit ko nagustuhan ito. Siguro dahil sa design narin!

                  Pagkagaling ko sa SM eh nagfacebook kagad ako at pooof! May nag Pm sakin na cute, haha tinatanong kung saan ako nakatira.. ALAM NA! :)



                 Ang layo ng transtion ng blog ko hahaha, parang ewan lang. Basta excited na ako pumasok, kating kati na ang paa ko na pumunta sa mga classroom ng mga schools na tuturuan ko! Kailangan ko ba maging masungit o hinde? Bahala na si batman no! :))

Photoshoot (05-27-10)

                           Isang magandang gabi sa ating lahat! Nakakapagod sa Registrar kanina. Sobrang dami ng tao tapos papagalitan ka pa haha anu akala nila sa kin robot? haha . May babae kanina tumawag, parent ata yun sinabihan ba naman ako na tanag! Aysus ginoo, parang di tao ang kauspa..

                           Ayun nga pala masaya naman din ang araw nato dahil madadagdagan nanaman ang pictures ko :) hahha nagphotoshoot ang STAUST kanina sa may lover's lane at naging successfulnaman ang flow.

                           After ng work ko sa registrar ay diretso naman ako sa photoshoot. Picture lang kahit pagod haha parang tanga lang talaga dahil nagmamadali ako umalis sa office. Complete naman ang officers, ang wala lang asi laffy kasi di pa siya approved as officer.

                           Hindi ko nasabihan sila coleen, di ko naman kasi alam na kasama sila hahah :))) Ayos naman mga pictures kasi mga pangprofile pic eh! hahah

                           Tignan niyo:


Friday



One of the best Resident Evil Installment is its 4th. Sobrang ganda ng effects, story at cinematography. Wala ako masabi. Eto ang kinaadikan ko ngayon! the best kaya! Leon S.  Kennedy is such a good agent in destroying virus form different persons, animals and things that can cause danger to normal persons.

                  Try mo kayang laruin ito ng gabi tapos nakaheadset ka lang sa harap ng Sony Lcd Plasma Tv tapos patay lahat ng ilaw hahah. Hindi parin ako makagetover dito since nung natapos ko siya yestaerday.

Here is the plot:

In 2004, the Umbrella Corporation's secret activities within Raccoon City have become a public affair. Following an investigation conducted by the U.S. government, several Umbrella officials are implicated and prosecuted. The government indefinitely suspends Umbrella's business, bankrupting the company.
Leon S. Kennedy was recruited by the U.S. Secret Service after they learned of his actions in Raccoon City. Leon is sent on a mission to rescue Ashley Graham, the President's daughter, who has been kidnapped by a mysterious cult. Leon travels to a rural village in Europe, where he encounters a horde of violent villagers who pledge their lives to "Los Illuminados" ("The Enlightened Ones" in Spanish), the cult that has kidnapped Ashley.

During the course of the mission, Leon is injected with a mind-controlling
parasite known as Las Plagas. He is also reunited with Ada Wong, a woman from his past, and Krauser, one of Leon's former comrades from his years of training, who was thought to be dead. He also meets Luis Sera, a former Los Illuminados researcher who aids Leon on his mission, but is later murdered by Saddler, the leader of the Los Illuminados cult. By examining Sera's notes, Leon discovers that Los Illuminados gained control of their subjects with the Las Plagas. Their plan is to inject Ashley with a parasite, and then allow her to return to the U.S., where she can infect government officials.

After Saddler discovers that Leon has rescued Ashley, he commands his subjects to use any means to recover her. Meanwhile, after defeating the village chief, Bitores Mendez, Leon and Ashley take refuge inside the castle, of Ramon Salazar. Ashley begins to cough up blood, indicating the slow maturation of the Las Plagas egg in her bloodstream. Distressed by this, she runs off. Leon eventually finds her, but she is later captured again. Leon then battles his way through the castle to find Salazar, only to learn that Ashley has been taken to a nearby island research facility. After numerous altercations with Saddler's forces, Leon is able to rescue Ashley, remove the
Plagas from both of their bodies and defeat Saddler with Ada's assistance. Leon recovers a vial containing a Plagas sample from Saddler's body, but Ada forces him to give it to her at gunpoint. She then escapes from the complex in a helicopter, leaving Leon and Ashley to escape via her jet-ski.

=================

Try to play this, you can't get enough with screams and action pack story with zombies around you.
Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE

My birthday: samahang walang katulad (05-12-10)

May 12,2010 na! Birthday ko na! hahah Bente anyos na ako ano! :) hahah. Matanda na ako at kailangan matanda narin ang pagkios at paguugali haha :)



Anu bang meron ngayong araw? ah inuman kasama ang mga tropa sa klase (migz,andrew at coleen) Teka sino ba sila?

Coleen: ang pinaka maganda kong kaklse (:D) haha siya na ata ang pinaka magaling na mag ingles sa loob ng room haha at ang pinak tahimik narin siguro next to Elizabeth. Si coleen siguro ang isa sa mga the best kong classmates since nung maging close kame. Nasasabihan ko yan ng mga problema na amin amin lang talaga.

Andrew: haha ang pinaka makulit sa aming tatlong boys sa room. walang ginawa kungdi mangasar. MINSAN na nga lang sumama sa amin, nangaasar pa hahha :) Makikita mo sa room yan palaging tulog! hahah at palaging may BADTRIP sa bawat sentence! :) the best yan si drew kahit makulit madiskarte naman! :D

Migz: lol! ang pinakamatanda kong kaklase! hahaha! :D ok lang di namn niya mababsa toh eh! hahah! masasabi ko na rin na pinaka close ko kasi sa araw araw na may klase siya kasama ko tsaka kasama sakalokohan, si drew kasi laging wala :)) hahah! Makulit pag makulit, seryoso kapag seryoso. :)


ayan, inuman lang naman sa bahay! konting pulutan at maraming toma. Nagpabili pa si migz tapos di rin mauubos! haahh! Nagmagic sing pa kami, yun lang pero masaya! :)

Ang aking crush sa labas ng bahay (05-05-10)

                    yown! nagising ako bigla bigla! hahaha anu ba meron? ngayong araw? wala naman ata.. habang sinusulat ko ito ay nakatalukbong ako ng kumot dahil sobrang lamig dito sa kwarto! :))) hahahah

                   Malapit na pala birthday ko! next week na! anu kaya mangyayari.. sino imbitahin ko? anu anu pagkaen? wag na lang kaya? hahah bahala na si batman! :)

                   OO nga pala nakita ko yung crush ko kanina hahah super sexy talaga, as in! anu ba pwede ko gawin para mapansin nun? Bumili siya ng RC cola kanina at isang piatos na sitsirya... hmmm  sige sige kapag bumili siya, bibili din ako hahha tapos kausapin ko, di naman malayo manyari yun nu!

                   2:20 am na..Tulog na ako, next time ulit. Maraming salamat sa pag babasa! :)

We miss you Mommy Jo! (04-30-10)

This is a sad day for us. Birthday ni Mommy Josie, ang tita ko na masayang kapiling ni God ngayon.

Mommy Jo, alam namin na masaya ka na nagyon sa piling ni God and we know that you are always there to guide us in our ways. I promise na magiging mabait ako kela ate :))) hahah mabaet namna talaga ako di ba mommy? ooops, madilim dito sa kwarto kaya wag ka na sumagot ng OO mommy ah alam ko na yon, :))))

Naalala ko kapag nagpapakamot si mommy jo sa likod niya kapag may langgam na kumagat sa kanya hahah ang kulit kulit niya kasi nagmamadali siya na sabihing "ayan na ayan na!"tsaka kapag nag bi BINGO kami talagang may slang/ accent siya kapag nagtatawag ng bolitas o kaya kapag sumigaw ng bingo! :))

I remembered those day, sarap balik balikan. Mommy! magkikita parin tayo wag lang ngayong oras na ito :)))

we love you Mommy Jo! Happy Birthday! :)

Bakasyon Grande (04-04-10)






                    Ayup! bakasyon na! hahaha 2 buwang pahinga mula sa halos 10 buwan na pag aaral.
Dami ko rin  plano ngayong bakasyon no
Matulog, matulog, matulog, at matulog
Dami no! hahha :)

Sasamahan naman ako ni kaibigang Facebook eh kaya di ako maiinip hahah
pero in some ways nakakamis din yung may pasok
syempre hindi mo nakikita yung mga kaibigan mo
mga kaklse at ang MAGAGALING na prof :D

Minsan nga naisip ko paano kung puro bakasyon nalang?
Ano kaya mangyayari sa mundo?
 Puro pahinga mga tao at nakahilta
 hahah ang tamad naman ng naiisip ko haha

Ano kaya balak ni mama ngayong bakasyon?
saan kaya ang destinasyon namin
malayo kaya o sa ecopark lang?
hahahahah

 

Matulog na nga ako, wala na akong napopost na matino :)










3 months off (03-14-10)

                                Kamusta kamusta? It's been time since nagsulat ako sa blog ko.. hahha super busy lang tsaka nakakalimutan narin siguro magsulat. Pasyensya na my dearest blog :)

                               


              Oo nga pala! 4th year na ako next school year! Sa wakas mararanasan ko na rin magturo! Super Excited na rin ako to meet my future students na malilikot at cute! :) hmmm, anu kaya itsura ko pag nagtuturo na ako? hahha hindi ko talaga maimagine ano! :))

               4th year na ako at matured enough na siguro ako to make stiff decisions for myself. Kaya i have this plan on my mind if i can come up with a decison na sabihin ko na yung sikreto ko sa isang tao na sobrang lapit sa kin. Last friday magkasama lang kami, hmm typical na kwentuhan at bonding pero bigla ko nga naisip na since super close naman kami , what if sabihin ko na sa kanya? pero isa lang talaga ikinatatakot ko, yung biglang mawala yung friendship na binuo ko sakanya for almost 4 years  narin. hmmm

Letse, bakit ba namomroblema ako hahah tsaka ko na nga iisipin yun, basta focus muna sa studies hahah! Hindi parin siguro ako handa aminin sa kanya since ayoko rin masira friendship namin.

                                Wala na ako sasabihin kasi inaantok narin ako! :))))) goodnight blog!

January 1, 2010

 
After christmas, what's next?!

eh di




Bagong taon kaya kelangan ng bagong buhay. Totoo ba yun? hahaha. siguro hindi  kasi kung magbabagong buhay lahat ng mga Pilipino ngayon malamang sa malamang eh uunlad ang bansang Pilipinas hahaah!

Ano ba dapat baguhin sa buhay ko? wala naman diba? masaya naman ako ngayon. Siguro yung pagiging madaldal ko na lang hahaha ! :))

Ang ingay kanina sa labas mabibingi ka pero  halatang naghihirap ang mga tao ngayon kasi kung dati rati'y halos 1 oras ang putukan ngayon eh 15 minutes lang ang itinagal tapos tahimik na.. pero ayos lang yun basta masaya ang abuhay at nakaraoss bagong taon eh solb na! :)

Pasko nanaman! (12/24/10)


                    Merry Christmas mga kapatid! :))) hahahah :))) It is been 1 year na rin pala since last christmas! hahaha ang bilis ng panahon. Sarap ng handaan. Eto mga pagkaen namin ngayong pasko


                                           - ispageti
                                           - menudo
                                           - crispy pata
                                           - mechado
                                           -embutido
                                           -tsokolate

                     Nakakagutom kaya! parang fiesta lang dito sa bahay.ang dami din pumunta dito sa bahay at namamasko. Masaya kasi nakita ko nanaman yung mga pinsan ko kahit mini family reunion lang.

                     Maliit nga lang napamaskuhan ko ngayon, sabagay mag bebente anyos na ako in next months kaya tanggap ko na hindi na ako bata para manghingi pa ng pera sa mga ninong at ninang ko. Sa tingin mo? :)

                     Sobrang busog ko ngayon dahil katatapos ko lang kumain! :) o sige na mga kapatid, PS2 muna ako.. :)

Childhood days (11/20/09)

Bago sagutan ang mga katanungan, magbalik-tanaw muna sa nakaraan. Pag naalala mo na lahat ng kapilyuhan mo noon, ayos, sagutan mo na ito at buntut-buntutan (tag) ang mga kaibigan mo.


1. Nung bata ka pa, pinapatulog ka rin ba sa tanghali pero ayaw mo naman?
- ay oo naman! hahaha nanalala ko nga yung yaya ko nuon.. una pang nakatulog sa akin.. ang ending eh naglalaro nalang ako at pinapatulog ko siya.. hahaha

2. nanniniwala ka ba noon kay santa claus at sinubukan mong magsabit ng medyas sa loob ng bahay niyo?
-sinu ba hinde db? pati nga briefs ko nuon nakasabit.. haha funny but true..

3. e sa tooth fairy?
- yuck!

4. nakapag-school service ka ba?
-yup preschool to grdae 6! si mang enteng pa yun at si aling nena.. lagi nga namin tinutukso si aling nena.. " si nena ay bata pa kaya ang sabi niya ay uh ah uh ah ha" nakakatawa kasi siya

5. atat ka bang umuwi dahil sa paborito mong cartoons?
- peborit kong cartoons eh tuwing umaga.. kung ata man ako umuwi eh dahil yun sa MARINA ni cluadine haha

6. Napalo ka na ba ng magulang gamit ang: tsinelas, belt o kung ano mang bagay maliban sa kamay?
- ay oo.. pero lagi ako may magazine sa pwet! di ko pinapahalata.. kunwari nasasaktan ako haha

7. hate mo ba ang gulay tuwing kakain?
- hinde! gusto ko gulay.. meron kaba? enge!

8. ikaw ba ay naging bully o ikaw ang biktima?
- bully? hindi ah.. BELLY aako nun! mataba ako eh hahaha

9. nagpapayabangan ba kayo ng mga classmates mo ng pencil case?
- oo. haha de kotse yung akin sa kanya kariton hahaha lol! naalala ko pa

10. nag-alaga ka ba ng kisses? yung nanganganak daw?
- ay parang tanga lang yun! haha inaamoy ko pa.. pumasok sa ilong ko.. ang sakit!

11. nakapgbirthday party ka ba sa bahay niyo na may clown, pabitin at hampas palayok?
- d.e. pakain lang usually..

12. nag-aaway ba kayo ng mga kapatid mo kung sino ang mas mahal ng parents niyo?
- nope!! :)

13. spoiled ka ba sa lolo't lola?
- lola's boy ako hahaha!

14. ginawa ka na bang saling pusa/ saling ket-ket ng mga kalaro mo?
- oo parang hindi nga ako nakikita,,, hahaha.

15. may lunchbox ka bang plastic na may drawing ng favorite cartoon mo? barbie for girls, power rangers for boys?
- oo ultraman tsaka power rangers! haha

16. noon, malaking halaga ba sa iyo ang sampung piso o kaya bente?
- piso nga ok na sa kin eh! haha

17.may personal yaya ka ba noon?
-nung preschool days ko..

18. nag-bangs ka noon pero pagdating ng elementary at highschool e baduy daw iyon?
- bangs? wala! anu ko koreanao? haha oh baby baby baby haha

19. narindi na ba teacher niyo sa kakatawag niyo ng "cher" sa kanya?
- ahaha..d nman cguro..

20. madalas ka bang nasa labas ng bahay dahil nakikipaglaro ka sa mga kapitbahay mo?
- haha hindi eh bawal.. mga pinsan ko lang kalaro ko bakit ba? cousin bonding! haha

21.Alam mo noon na pag umaga at hapon ay cartoons at pag tanghali naman e yung mga variety shows at mexican telenovelas..?
- oo! marimar pa nuon! tsaka yung nunca de olvidare! haha

22.nakaligo ka na sa ulan?
- \uu naman! haha peborit!

23. nung nagsimula ang cellphones, nasubaybayan mo ang evolution nito at kabisado mo pa ang iba't ibang unit?
- naman! beeper nga una ko! haha katuwa!

24. may cd collection ka ng mga boybands (backstreet boys) or girl groups (spicegirls)
- a1 at westlife.. backstreetboys n'sync.. hahaha

25. nakapag-caroling ka ba sa iba'tibang bahay?
-hinde! auq nun! feeling ko papalayasin lang ako nung kakantahan ko haha

26.nagpipitpit ka ba ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tangkay ng walis tingting?
-gagsti natatandaan mo a yun? haha

27.nangongolekta ka ba ng paper stationaries o teks?
-oo teks! kahon kahon nga eh! hhahaha

28. mahilig ka bang magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
- oo! haha peborit ko dun what is your motto.. TIME IS GOLD! haha

29. nabiktima mo na ba crush mo dahil sa FLAMES, HOPE, CAMEL at kung anu-ano pang compatibility test para malaman kapalaran niyo?
- oo nman! wla nman atang d gumawa nun e..ahahaha

30.takot ka ba dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?
- oo! sabi nga pati si godzilla babangon daw! haha

31.nagkaroon ka na bang ng sapatos na umiilaw pag nilalakad o yung may gulong?
- uu naman! gutay lagi sa akin un!

33. nababaduyan ka ba dati sa mga naka-braces at nakasalamin?
-oo!! haha nerdy!

34. nakapaglaro ka na ba ng bahay-bahayan, lutu-lutuan at duktor-duktoran?
- oo! haha ako lagi tatay! saya kaya nun!

35.ang tawag mo ba sa porn ay bold?
- oo! haha o kaya bomba! haha

36. nawala/naligaw ka na ba sa mall?
- oo! iyak ako ng iyak! gang sa naipit pa paa ko sa escalator! haha dun lang ako napansin ng mga tao! haha

37.nag-tantrums ka ba nung di nabili gusto mo?lalo na sa isang mataong lugar na kulang na lang lumubog na sa kahihiyan magulang mo?
- oo! yung buong mansion miniature ni mickey mousehahaha nabili nila nun!

38. anong oras curfew mo noon? sa tingin mo ba makatarungan ang tinakdang oras?
- HS..7.30..hinde! ahahah..lakwatsera e..

39. nanaiisin mo bang balikan ang nakaraan?
- oo namn!

MANUEL and CHIARA's worst experience under BAGYONG ONDO from SM MANILA to UST (09/27/09)

Hi guys.. just wanna share my experiences during the saturday disaster..

after class ng 9 am nakiusap si chiara sa akin na samahan muna siya sa loob ng Educ bldg. sa UST to do some observation. Mga 9 30 nagdecide si chiara na samahan ako sa SM MANILA to buy the velcro chart na kailangan namin ni CLAIRE at GIE para i pass kay mam dionora..

umuulan nuon.. ambon palang..tumatawa pa kami nuon ni chiara kasi nag eenjoy kami sa ulan tsaka sa byahe..ng makababa na kami sa may SM manila eh biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagmadali na kami ni chiara sa Teacher's Pet at bumili ng 3 velcro chart.

Nagdecide kami na magstop over muna sa Mc Donalds para magpatila ng ulan. Tawa nanaman kami sa kwentuhan namin.. around 10 :30 may nabasa si chiara na text from our classmates na suspended daw ang classes..sabay kaming napatingin sa labas ng Mc Donalds at nakita namain ang lakas ng buhos ng ulan.. wala pang baha.. Nagpasya kami ni Chiara na magpatila muna kasi hindi namin kakayanin ang lakas ng ulan..

around 12:30 malakas pa rin ang ulan.. tawa kami ng tawa.. sabi ko " tara na chiara labas na tayo at ng makauwi na!" nung nasa pinto na kami ng SM. nagtaka kami kung bakit kumpulan ang tao sa labas.. nagulat kami sa nakita namin..

"mga kotse na tumirik sa gitna, mga pedicab na ulo nalang ng pasahero ang kita at mga taong naglalakad na hanggang bewang ang baha.."

nagulat kami ni chiara.. nagpapanic siya kung paano uuwi.. ang sabi ko.. huhupa din yan.. maghintay tayo ng ilang hour.. sabi niya kain daw muna kami..

after naming kumain, sumilip ulit kami at nagulat dahil pinasok na ng baha yung food court ng SM MANILA.. nagdecide na kami na bumili ng slippers at shorts para MAKALUSONG SA BAHA..

hinanda nanamin ang aming sarili para lumusong sa baha..

pagka labas namin sa SM sabi namin hanggang tuhod lang ito.. lakad kami..and to our surprise hanggang bewang pala ang baha sa kalsada! Nadapa si Chiara,pero ok naman at nakatayo, umaayaw na si chiara kasi hindi daw niya kaya ang dumi at baho lalo na ang lamig ng tubig..

sabi ko, " CHIA, wala na tayong magagawa! andito na tayo.. anung gusto mo, mastranded tayo sa SM manila gang gabi!"

pumayag na rin siya na ipagpatuloy namin..

METROPOLITAN bldg_- hanggang bewang parin ang baha.. lakad kami ni chiara...nadapa ulit siya kasi hindi niya nakita yung humps.. natanggal ang tsinelas niya.. at nagawa pa naming tumawa..

Bridge- tumawid kami sa bridge.. walang baha pero ang kalaban namin ang matinding lakas ng hangin.. halos natatangay na kami at nasira lahat ng payong nung mga taong dumadaan duon kasama na ang payong ni chiara..

QUIAPO- nagulat kami ng makita namin ang baha sa quiapo! hindi dahil sa malalim (hanggang tuhod lang naman) kung hindi dahil sa sobrang dumi na makikita mo dito!

"halo halo basura! ipis! daga! dumi ng ibat ibang nilalang dito sa mundo, at ang alikabok ng kalsada..
nilakad namin ito sa kahabaan ng Quiapo."

sabi ko kay Chiara - "kaya natin yan! isipin mo nalang na may mas mahirap pa ang dinadanas ngayon ng ibang tao..

nilusob namin ang quiapo..

ng may naririnig kami sa isang mama

"hindi ko na kaya sa MORAYTA! hanggang kilikili na duon! marami na ang umuurong! ang lakas pa ng ulan!"

hindi kami nawalan ng pagasa ni chiara..

AKO: kaya natin yan chia! wala na tayong magagawa!

chiara: Nilalamig na ako, ang sakit na ng mga paa ko, hinahanap na ako sa amin..

Ako: huwag ka nalang mawalan ng pag asa.. morayta na ang susunod!

kitang kita mo kay chiara na nanghihina na siya at nanginginig.. naawa na ako sa kanya.. nagpapatawa nalang ako sa kanya para kahit papaano ay makalimutan niya ang pagod..

lumakas ang ulan! basang basa na kami! ang lakas pa ng hangin..

MORAYTA!-- nakita namin ang morayta! sa bungad.. bewang palang ang baha..ng tatawid na kami sa may feu.. nagulat kami kasi medyo taas na ng tiyan ang baha! sabi ko sa knya na kumapit nalang siya sa akin at huwag bibitiw.. mangiyak ngiyak na siya sa pagod..

nilakad namin ang kahabaan ng morayta.. ng may narinig nanaman kami!

manong: hindi ko kinaya ang espanya! lagpas tao na! ayoko na! halika na!

nagkatinginan kami ni Chiara.. sabi ko.. tara kaya natin yan.. hahanap tayo ng way!

nakita nanamin ang espanya.. at totoo nga.. sobrang lalim.. lumakad kami sa gilid sa may bangketa para medyo elevated.. hanggang bewang ang baha sa gilid what more sa gitna ng kalasada..

malapit na kami sa UST at palalim na ng palalim ang tubig! nanginginig narin si chira.. ng makakita kami ng grupo ng kalalakihan na nagsasakay sa mataas na pedicab at naghahatid ng pasahero..

100 php per person ang bayad.. may kasaby kaming 2 babae..

P NOVAL- malalim ang baha! nasa pedicab kami nakatayo..

Dapitan- nakarating kami sa dapitan at malim din ang tubig nakakita kami ng gate ng UST at duon bumaba..

GATE 10- nkasara ang gate! ayaw kami papasukin ng guard...

guard: Bawal na pumasok! kahit na UST students kayo! inutos samin ng head guard..

ako: manong nakikiusap kami wala na kami mtutuluyan. kahit makikisilong lang at walang pagkain.. pls..

Guard: bawal nga ho! (tumawag sa head guard) sir panu ho ba ito nagpupumilit pumasok!

head guard: ay bawal ng pumasok!

guard: narinig niyo naman yon di ba! bawal daw pumasok! sana intindihin niyo naman ako..

AKO: INTINDIHIN?! PAMBIHIRA NAMAN OH! KAMI HINDI NIYO NAIINTINDIHAN? wala na kami matutuluyan oh!

at lumayas si manong guard..

may dumating na parent at duon kami nagsumbong kasabay nito ang pagdating ng maraming students sa labas ng gate at humihingi ng tulong.. ang iba nagiingay.. ung iba umaakyat na sa gate.. hanggang sa dumating na yung head ng mga student officers.. pinapasok na kami...

UST: baha sa loob ng campus! hanggang tuhod..

pumasok kami sa tanyankee.. nagpahinga.. at lumabas ulit para puntahan ang iba naming classmates na nasa AMV college

madilim na nun at naglalakad kami ni chiara sa catwalk sa may tinoko park.. malalim na ang tubig duon..

AMV- pagpasok namin sa college na iyon ay hinananap kagad nmin sila JAZMIN.. at nakita namin sila sa ROOM 412..

pinag CR muna kami para makapaglinis..

ng makapasok na kami sa loob ng room nag smile kami ni chiara at nagpasalamat na ligtas kami sa daan sa kabila ng matinding pilagro na nagaantay sa amin sa kahabaan ng SM MANILA to UST..

salamat at buhay pa kami sa kabila ng mga news na naririnig namin na marami ang napapahamak sa paglalakd sa kalsada sa gitna ng bagyong ondo..

THANK YOU LORD!

some pictures inside UST


July 27, 2009

UAAP POWER RANKINGS!


Based on the games played this past week, here are the Power Rankings for the week of July 27, 2009. Each team has already played 4 games apiece:

1. Far Eastern University (3-1) – Two games, two blowout wins. FEU is firing on all cylinders, and Andy Barroca has help from RR Garcia and JR Cawaling now. It’s scary how good the Tamaraws can get.

2. University of Santo Tomas (3-1) – They took every (figurative) punch that UE threw at them, yet the Growling Tigers still emerged victorious. Dylan Ababou and Khasim Mirza are a dangerous combo when they’re both clicking at the same time.

3. Ateneo de Manila University (3-1) – The defending champions were supposed to just walk over the winless Maroons. Wrong. UP outhustled, outshot, and out played the Blue Eagles. There will be no sweeps in season 72.

4. University of the East (2-2) – They played UST to a virtual standstill until late in the game. Llagas should have had an advantage in the paint, but the Tigers nullified him with their athletic bigs.

5. De La Salle University (2-2) – Gaining their first win of the season over UP, the Archers followed it up with a pulse-pounding OT victory over Adamson. Have they turned their season around?

6. University of the Philippines (1-3) – Losing to La Salle was tough, but nobody remembers that after the Maroons’ giant-killing win over the unbeaten Ateneo. The team might have just saved Coach Aboy Castro’s job with that triumph.

7. Adamson University (1-3) – FEU blew them out, and La Salle eked by them, but Adamson may have found itself a star in point guard Lester Alvarez. He carried the Falcons on his back in the second half and overtime of the La Salle contest.

8. National University (1-3) – Now wearing white instead of their traditional yellow for lighter jerseys, the Bulldogs were hoping for a change in fortunes as well. Sadly, they ran into a freight train by the name of FEU.

July 8, 2009

UAAP Season 72
Upcoming Games








Game DateTime Dark Team Light Team Venue Game Type

1 Jul 11 (Sat) 2:00PM AdU vs UST Araneta Coliseum Elimination

5 Jul 16 (Thu) 2:00PM NU vs UST Philsports Arena Elimination

10 Jul 19 (Sun) 4:00PM UST vs ADMU Philsports Arena Elimination

16 Jul 26 (Sun) 4:00PM UE vs UST Philsports Arena Elimination

22 Aug 2 (Sun) 4:00PM DLSUvs UST Philsports Arena Elimination

24 Aug 6 (Thu) 4:00PM FEU vs UST Philsports Arena Elimination

25 Aug 8 (Sat) 12:00PM UP vs UST Araneta Coliseum Elimination