FUCK!
Kung sino man nanghack ng blog ko before.. please return my pictures there! argghh!!!!
Monday
Ang swerte sa gitna ng malas (08-09-10)
Gumagalaw ang mundo natin. Guamagalaw na parang lumilindol. Guamagalaw na parang bumabagyo. Sa ngayon ang pag galaw nito ay huminto sa akin para sa akin, sumisikip at lumalim.
Hindi umayon ang magandang kapalaran sa akin nitong huling mga araw. Marami ang nagbago. May mga umabuso. May mga bumalik sa alaala, may lumipad at higit sa lahat may isang malaking pagsubok ang sa akin ay naghihintay. Pagsubok na may kinalaman sa ibang mundo ng aking buhay. Minsan nga naisip ko, wala na bamakakatanggap sa lahat ng ginagawa ko?
Akala ko magtutuloy tuloy na 'to. Sabi ko nga sa tropa ko, "Kapag 'tong gagawin ko hindi tumalab, tanggapin nalang natin na ganito talaga buhay natin. Puno ng pagpapanggap, puno ng pagpapaliwanag at puno ng mga nasirang pagkakaibigan dahil lamang sa isang walang kakwenta kwentang bagay."
Akala ko, ang malas ay magtutuloy tuloy ngayong linggo pero hindi pala dahil may isang pangyayari ang nagpagaling sa magulo kong pagiisip. Pangyayari na nakapag isip sa akin na masarap pala talaga mabuhay.
Kanina lamang mga bandang alas-10 y medya ng umaga pagkatapos ko magturo. Hinanap ako ng magulang ng isang bata. Kinakabahan ako,akala ko papagalitan ako kasi hindi normal na tawagin ka ng isang magulang lalo pa't isa ka lamang practicumer. Ganito ang naging usapan.
Parent: Sino si Teacher Mec?
Mec: Ako po mommy. May problema po ba?
Parent: ah wala. Gusto ko lang sabihin sa'yo na ang galing galing mo magturo. Natatandaan ng anak ko lahat ng nangyari sa istorya na kinuwento mo sa kanya. Yun yung 5 chinese brothers.
Mec: Talaga po? Wow. Thank you po mommy.
Parent: Yung transition ng pagkakakuwento niya sa akin ay buo pati yung values ay naintindihan niya.
Mec:Thank you po. Ang galing naman.
Parent: Thank you ha. Eto oh. Pangmeryenda niyo. (Nagbigay si mommy ng maraming Puto pao)
Ang pangyayaring ito ang nakapagpasaya sa akin. Imagine, yung maapreciate ka nga lang ng students mo eh okay na, anu pa kaya kung parent na ng estudyante ang nagsabi sa yo na magaling ka at nagpapasalamat pa dahil naturuan ko ng sapat ang kanyang anak.
Ang galing! Kahit hindi ka naapreciate ng mga taong malalapit sa yo ang mga bagay bagay kahit ito ay walang kwenta, may mga tao din naman pala na gusto ka pasalamatan dahil sa ginagawa mo at yun ang may kwenta.
Dumaan ako sa simbahan kanina at nagpasalamat. Nagpasalamat ako sa Diyos sapagkat hindi niya ako pinapabayaan. Kung tutuusin nga ang problemang nabanggit ko sa taas ay hindi naman ganoon kalala at kung tutuusin eh mas malaki pa ang problema ng mga tao dito sa bansang pilipinas.
Hindi pala kailangan magmukmok. Ang tanging kailangan pala ay pagpapayaman at pagpapabuti sa ugali lalo na kung ito ay katanggap tanggap sa mata ng nakakarami. Maraming tao diyan ang naghihintay pa sa mga gagawin kong mga hakbang sa buhay, maliit man o malaki kasama ang mga tunay na kaibigan na tanggap ka bilang ano ka. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment