Hi guys.. just wanna share my experiences during the saturday disaster..
after class ng 9 am nakiusap si chiara sa akin na samahan muna siya sa loob ng Educ bldg. sa UST to do some observation. Mga 9 30 nagdecide si chiara na samahan ako sa SM MANILA to buy the velcro chart na kailangan namin ni CLAIRE at GIE para i pass kay mam dionora..
umuulan nuon.. ambon palang..tumatawa pa kami nuon ni chiara kasi nag eenjoy kami sa ulan tsaka sa byahe..ng makababa na kami sa may SM manila eh biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagmadali na kami ni chiara sa Teacher's Pet at bumili ng 3 velcro chart.
Nagdecide kami na magstop over muna sa Mc Donalds para magpatila ng ulan. Tawa nanaman kami sa kwentuhan namin.. around 10 :30 may nabasa si chiara na text from our classmates na suspended daw ang classes..sabay kaming napatingin sa labas ng Mc Donalds at nakita namain ang lakas ng buhos ng ulan.. wala pang baha.. Nagpasya kami ni Chiara na magpatila muna kasi hindi namin kakayanin ang lakas ng ulan..
around 12:30 malakas pa rin ang ulan.. tawa kami ng tawa.. sabi ko " tara na chiara labas na tayo at ng makauwi na!" nung nasa pinto na kami ng SM. nagtaka kami kung bakit kumpulan ang tao sa labas.. nagulat kami sa nakita namin..
"mga kotse na tumirik sa gitna, mga pedicab na ulo nalang ng pasahero ang kita at mga taong naglalakad na hanggang bewang ang baha.."
nagulat kami ni chiara.. nagpapanic siya kung paano uuwi.. ang sabi ko.. huhupa din yan.. maghintay tayo ng ilang hour.. sabi niya kain daw muna kami..
after naming kumain, sumilip ulit kami at nagulat dahil pinasok na ng baha yung food court ng SM MANILA.. nagdecide na kami na bumili ng slippers at shorts para MAKALUSONG SA BAHA..
hinanda nanamin ang aming sarili para lumusong sa baha..
pagka labas namin sa SM sabi namin hanggang tuhod lang ito.. lakad kami..and to our surprise hanggang bewang pala ang baha sa kalsada! Nadapa si Chiara,pero ok naman at nakatayo, umaayaw na si chiara kasi hindi daw niya kaya ang dumi at baho lalo na ang lamig ng tubig..
sabi ko, " CHIA, wala na tayong magagawa! andito na tayo.. anung gusto mo, mastranded tayo sa SM manila gang gabi!"
pumayag na rin siya na ipagpatuloy namin..
METROPOLITAN bldg_- hanggang bewang parin ang baha.. lakad kami ni chiara...nadapa ulit siya kasi hindi niya nakita yung humps.. natanggal ang tsinelas niya.. at nagawa pa naming tumawa..
Bridge- tumawid kami sa bridge.. walang baha pero ang kalaban namin ang matinding lakas ng hangin.. halos natatangay na kami at nasira lahat ng payong nung mga taong dumadaan duon kasama na ang payong ni chiara..
QUIAPO- nagulat kami ng makita namin ang baha sa quiapo! hindi dahil sa malalim (hanggang tuhod lang naman) kung hindi dahil sa sobrang dumi na makikita mo dito!
"halo halo basura! ipis! daga! dumi ng ibat ibang nilalang dito sa mundo, at ang alikabok ng kalsada..
nilakad namin ito sa kahabaan ng Quiapo."
sabi ko kay Chiara - "kaya natin yan! isipin mo nalang na may mas mahirap pa ang dinadanas ngayon ng ibang tao..
nilusob namin ang quiapo..
ng may naririnig kami sa isang mama
"hindi ko na kaya sa MORAYTA! hanggang kilikili na duon! marami na ang umuurong! ang lakas pa ng ulan!"
hindi kami nawalan ng pagasa ni chiara..
AKO: kaya natin yan chia! wala na tayong magagawa!
chiara: Nilalamig na ako, ang sakit na ng mga paa ko, hinahanap na ako sa amin..
Ako: huwag ka nalang mawalan ng pag asa.. morayta na ang susunod!
kitang kita mo kay chiara na nanghihina na siya at nanginginig.. naawa na ako sa kanya.. nagpapatawa nalang ako sa kanya para kahit papaano ay makalimutan niya ang pagod..
lumakas ang ulan! basang basa na kami! ang lakas pa ng hangin..
MORAYTA!-- nakita namin ang morayta! sa bungad.. bewang palang ang baha..ng tatawid na kami sa may feu.. nagulat kami kasi medyo taas na ng tiyan ang baha! sabi ko sa knya na kumapit nalang siya sa akin at huwag bibitiw.. mangiyak ngiyak na siya sa pagod..
nilakad namin ang kahabaan ng morayta.. ng may narinig nanaman kami!
manong: hindi ko kinaya ang espanya! lagpas tao na! ayoko na! halika na!
nagkatinginan kami ni Chiara.. sabi ko.. tara kaya natin yan.. hahanap tayo ng way!
nakita nanamin ang espanya.. at totoo nga.. sobrang lalim.. lumakad kami sa gilid sa may bangketa para medyo elevated.. hanggang bewang ang baha sa gilid what more sa gitna ng kalasada..
malapit na kami sa UST at palalim na ng palalim ang tubig! nanginginig narin si chira.. ng makakita kami ng grupo ng kalalakihan na nagsasakay sa mataas na pedicab at naghahatid ng pasahero..
100 php per person ang bayad.. may kasaby kaming 2 babae..
P NOVAL- malalim ang baha! nasa pedicab kami nakatayo..
Dapitan- nakarating kami sa dapitan at malim din ang tubig nakakita kami ng gate ng UST at duon bumaba..
GATE 10- nkasara ang gate! ayaw kami papasukin ng guard...
guard: Bawal na pumasok! kahit na UST students kayo! inutos samin ng head guard..
ako: manong nakikiusap kami wala na kami mtutuluyan. kahit makikisilong lang at walang pagkain.. pls..
Guard: bawal nga ho! (tumawag sa head guard) sir panu ho ba ito nagpupumilit pumasok!
head guard: ay bawal ng pumasok!
guard: narinig niyo naman yon di ba! bawal daw pumasok! sana intindihin niyo naman ako..
AKO: INTINDIHIN?! PAMBIHIRA NAMAN OH! KAMI HINDI NIYO NAIINTINDIHAN? wala na kami matutuluyan oh!
at lumayas si manong guard..
may dumating na parent at duon kami nagsumbong kasabay nito ang pagdating ng maraming students sa labas ng gate at humihingi ng tulong.. ang iba nagiingay.. ung iba umaakyat na sa gate.. hanggang sa dumating na yung head ng mga student officers.. pinapasok na kami...
UST: baha sa loob ng campus! hanggang tuhod..
pumasok kami sa tanyankee.. nagpahinga.. at lumabas ulit para puntahan ang iba naming classmates na nasa AMV college
madilim na nun at naglalakad kami ni chiara sa catwalk sa may tinoko park.. malalim na ang tubig duon..
AMV- pagpasok namin sa college na iyon ay hinananap kagad nmin sila JAZMIN.. at nakita namin sila sa ROOM 412..
pinag CR muna kami para makapaglinis..
ng makapasok na kami sa loob ng room nag smile kami ni chiara at nagpasalamat na ligtas kami sa daan sa kabila ng matinding pilagro na nagaantay sa amin sa kahabaan ng SM MANILA to UST..
salamat at buhay pa kami sa kabila ng mga news na naririnig namin na marami ang napapahamak sa paglalakd sa kalsada sa gitna ng bagyong ondo..
THANK YOU LORD!
some pictures inside UST
No comments:
Post a Comment