FUCK!

Kung sino man nanghack ng blog ko before.. please return my pictures there! argghh!!!!

Wednesday

Pag amin sa harap ng bote ng alak.



    Paano nga ba kung may tinatago ka sa sarili mo na ayaw mo malaman ng iba? Mahirap itago 'di ba?. Mahirap magpanggap at lalo na mahirap aminin sa taong nirerespeto mo at sa taong dapat siya ang unang nakaalam pero dahil sa takot eh hindi mo maamin.

    Ang gabi na ayaw ko mangyari ay dumating na. Ito ang araw na pinagplanuhan namin ng kaibigan ko para sa isang mahalagang bagay. Ang kumprontasyon na mamagitan sa amin sa loob ng ilang oras.

    Beer. Beer. Beer. Nakakatulong ba talaga to para masabi mo ang gusto mo masabi sa isang tao? Nakakamanhid ba to para tanggapin mo ang lahat ng ayaw mo marinig? Ito kasi ang iniinom namin ngaking matalik na kaibigan bago ang kinaayawan kong aminan.

        Kwentuhan at tawanan ang nagyari muna sa amin. Maraming tawa at maraming lagok ng beer ang nagpatakbo sa oras. Siguro nainip narin ang loko at sinimulan na niya ang mga tanong sa akin. Marami siyang tanong. Marami siyang hakahaka at marami siyang diskriminasyon sa pag iisip na siyang ikinasara ng kanyang utak sa mga ganoong bagay. Ako naman si tanggap ng kanyang puntos laban sa akin at puro oo at hindi lang ang maririnig sa akin.

        Tumigil na siya. Ako naman ang magsasabi ng puntos. Umamin na ako sa kanya. Wala na ako magagawa dahil nahuli na niya ako pero sinabi ko naman sa kanya na nasasakanya naman yun  kung tatanggapin parin niya ako o hindi. Ang gusto ko lang mangyari bago matapos ang gabi ay maipaliwanag ko sa kanya at mabuksan ang kanyang pagiisip sa mga ganung bagay. Ipinaliwanag ko sa kanya isa isa lahat. Hinimay ko ang bawat hibla ng aking puntos at kung bakit kailangan niya maintindihan yun. Nagtalo pa nga kami sa kung ano ang tama at mali. Ang hirap talaga magpaliwanag sa mga taong sarado ang utak sa isang bagay na 'di niya kayang tanggapin lalo na kung lumaki siya sa kapaligiran na ayaw ng mga ganung bagay.

         Hanggang sa tinanggap narin niya. Wala narin naman siya magagawa sapagkat matibay narin naman ang aming pinagsamahan sa loob narin ng ilang taon. Inamin din naman niya na alam narin naman niya ang aking sikreto kahit di ko aminin. Ikinatuwa ko pa na kahit alam niya ang aking sikreto eh tinanggap parin niya ako bilang isang mabuting kaibigan.

         Dahil sa pangyayaring ito eh masasabi ko na lalong tumibay ang aming relasyong bilang isang magkaibigan pero siyempre di mawawala yung ilang minsan lalo na kung napapagusapan ang mga ganung bagay ng mga taong malalapit sa amin na hindi naman nakakaalam.

         Masaya narin ako at nalaman niya lahat. At least wala na ako matatago sa kanya at masasabi ko rin na mahalag rin ang suporta niya sa akin at isa siya sa mga taong gusto ko makuha ang suporta sa kung saan ako masaya. Salamat at nagkaroon ako ng kaibigang maasahan at makakaunawa sa akin. :)

         Beer lang pala katapat nitong dinadala kong takot laban sa kanya. Ngayon alam ko na sa kapangyarihan ng beer at magandang usapan ay magiging maayos ang hidwaan at aminan na gusto mong ideretso at ituwid. Napakasayang pangyayari 'to sa akin at hinding hindi ko talaga ito malilimutan.! :)

No comments:

Post a Comment