First of all, HAPPY 400 years UST! Grabe, ang saya ng celebration sa uste last week, parang heaven lang sa UST haha
Sa apat na daang taon ng UST, 12 years ang ginugol ko dito. Simula kinder hanggang college (except HS) eh andito ako sa pinagpalang pamantasan ng Pilipinas kumbaga tatak TOMASINO talaga ko t walang makakaagaw sakin nito! Ako na! haha
Nakita ko ang pagbabago ng UST simula nung pumasok ako hanggan sa pagtatapos ko ng kolehiyo.Ewan ko lang kung marami pang magbabago ditopag alis ko kasi every year laging may bago!
Isa lang naman ang hindi magbabago sa UST. suempre ang BAHA! hahaha. Kailangan mong matikman ang apat na daang taon na pagbaha sa UST para masabi mo na tomasino ka!Naranasan mo na bang nakamedyas pag uwi? Lumusong sa hanggang bewang na baha khit naka school uniform? tumawid sa mga dingding ng bawat building? makakita ng naguumpukang ipis sa isang sulok? mastranded ng isa o dalawang araw sa pinagpalang pamantasan? haha ako naranasan ko yan!
Ay! Isa pang di magbabago sa UST eh ang paskuhan! haha Walang makakatalo sa fireworks at sa libreng food! haha Ang paglatag sa field kasama ang mga kaibigan at kaklase, ang pakikipagsiksikan sa mga kapwa tomasino at ang sabay sabay na jamming ng mga tomasino sa mga banda sa grandstand!
Basta! UST is the best! Ako na ang proud! :)
No comments:
Post a Comment