First of all, HAPPY 400 years UST! Grabe, ang saya ng celebration sa uste last week, parang heaven lang sa UST haha
Sa apat na daang taon ng UST, 12 years ang ginugol ko dito. Simula kinder hanggang college (except HS) eh andito ako sa pinagpalang pamantasan ng Pilipinas kumbaga tatak TOMASINO talaga ko t walang makakaagaw sakin nito! Ako na! haha
Nakita ko ang pagbabago ng UST simula nung pumasok ako hanggan sa pagtatapos ko ng kolehiyo.Ewan ko lang kung marami pang magbabago ditopag alis ko kasi every year laging may bago!
Isa lang naman ang hindi magbabago sa UST. suempre ang BAHA! hahaha. Kailangan mong matikman ang apat na daang taon na pagbaha sa UST para masabi mo na tomasino ka!Naranasan mo na bang nakamedyas pag uwi? Lumusong sa hanggang bewang na baha khit naka school uniform? tumawid sa mga dingding ng bawat building? makakita ng naguumpukang ipis sa isang sulok? mastranded ng isa o dalawang araw sa pinagpalang pamantasan? haha ako naranasan ko yan!
Ay! Isa pang di magbabago sa UST eh ang paskuhan! haha Walang makakatalo sa fireworks at sa libreng food! haha Ang paglatag sa field kasama ang mga kaibigan at kaklase, ang pakikipagsiksikan sa mga kapwa tomasino at ang sabay sabay na jamming ng mga tomasino sa mga banda sa grandstand!
Basta! UST is the best! Ako na ang proud! :)
Mec Jusep's blog
FUCK!
Kung sino man nanghack ng blog ko before.. please return my pictures there! argghh!!!!
Sunday
Tuesday
FACEBOOK or FACE THE BOOK?!!..
Oh c'mon.. it is already 11:00 in the evening and I am not studying yet for my major exam tomorrow at 11:30 am. Hindi ko nga maisipang magbasa ng notes ko from my notebook hahaha..
Ewan ko lang kung bakit sobra sobra lang ang pag-iinternet ko ngayon. Simula nung nagka internet kami dito sa bahay eh nagsimula 'tong pagiging "adik" ko browsing the net especially dito sa pinaka the best social networking site ng buong mundo... ang FACEBOOK!
Mahirap pa naman ang exam ko tomorrow and still, nandito ako sa blog ko at nagttype hahah.. lupet ko talaga. Gusto ko lang magtype dito sa blog ko ngayon kasi ayaw ko pa talaga mag-aral. Mga 11:30 magsisimula na ako.
Ok sige malapit na mag 11 30. Mag-aaral na ako. Kailangan ko na mag-aral para makakuha ng mataas na marka sa exam. Hindi ko hahayaang bumagsak ako at hindi makagradweyt sa march! :))
Goodnight!
Monday
The girl who I loved before....
Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na ba ang iwan ka ng taong pinakaminahal mo sa buhay mo?
Kung ako tatanungin mo?OO.. OO nasaranasa ko na yan. Masakit talaga ang umibig sa taong pinakamamahal mo pero kabaligtaran naman pala yun sa kanya.
Nagmahal ako ng isang babae sa buhay ko. Minahala ko siya ng tapat. Sa kanya lang umikot mundo ko sa loob ng higit sa isang taon.
Inaamin ko hindi ako nanligaw sa kanya pero punaparamdam ko na espesyal siya sa akin at alam ko naman na alam din naman niya yun kasi nakikita ko sa pakikitungo niya sa akin.
Noong una, masaya ako kasi lagi siyang malambing sa akin. Lagi niya akong iniintindi at inaalagaan, sinasabihan pa niya ako na gusto niya ako at lalo na gustong gusto siya ng mga taong malalapit sa akin lalo na ang pamilya ko at kahit nga mga guro at kaibigan ko ay boto sa kanya.
Dumating sa point na tinanong ko siya kung may pag asa ba ako sa kanya. Ngunit iba ang sinasagot niya sa akin. May ilang beses na tinanong ko siya pero sa wala din napupunta ang sagot niya. Minsan malaki minsan naman parang wala pero pinapakita naman niya sa akin ay meron.
Kapag lalayo ako lalapit siya pero kapag lumalapit naman ako siya naman ang tumataboy sa akin... ang gulo no?
Ewan ko lang pero nararamdaman ko talaga sa mga panahon na iyon na may iba siyang gusto na lalake pero di ko naman iniintindi yun kasi umaasa ako na gusto niya din ako kasi yun ang pinapakita at pinaparamdam niya sa akin sa tuwing magkasama kami o magtatampo man ako sa kanya.
Dumating ang retreat namin at kinausap ko siya. Umamin na ako sa kanya na mahal ko siya at kung maari na ba akong magpatuloy sa panliligaw pero ang sabi niya sa akin ayaw daw niya. Hindi daw pwede kasi di daw siya ready pero inamin niya sa akin na iba ang gusto niya.
Umiyak ako sa harap niya. Kasi all those times na magkasama kami eh lagi niya pinapakita sa akin na gusto niya ako pero iba pala yun sa inaasahan ko. Iba pala gusto niya. Habang umiiyak ako eh nakita ko na tumatawa siya sa akin. Siguro natutuwa siya na umiiyak ako sa harap niya. Nainsulto ako.
Simula noon, narealize ko na hindi lang siya ang babae sa mundo. Hindi lang dapat sa kanya umikot ang buhay ko. Hindi lang dapat ako magmukmuk ng dahil sa kanya. Marami pa ako dapat gawin sa buhay ko na mas ikakasya ko at higit sa lahay eh mas marami ang taong nagmamahal sa akin.
Itinigil ko na lahat ng gingawa ko sa kanya. Ayoko na. Balewala rin pala lahat yon. OO nanghihinayang ako pero may mas deserving naman na tao para sa tapat na pagmamahal ko para sa kanya.
to the girl that i loved before, thank you for realizing to me that I an be a better person without you.... :)
Wednesday
Pag amin sa harap ng bote ng alak.
Paano nga ba kung may tinatago ka sa sarili mo na ayaw mo malaman ng iba? Mahirap itago 'di ba?. Mahirap magpanggap at lalo na mahirap aminin sa taong nirerespeto mo at sa taong dapat siya ang unang nakaalam pero dahil sa takot eh hindi mo maamin.
Ang gabi na ayaw ko mangyari ay dumating na. Ito ang araw na pinagplanuhan namin ng kaibigan ko para sa isang mahalagang bagay. Ang kumprontasyon na mamagitan sa amin sa loob ng ilang oras.
Beer. Beer. Beer. Nakakatulong ba talaga to para masabi mo ang gusto mo masabi sa isang tao? Nakakamanhid ba to para tanggapin mo ang lahat ng ayaw mo marinig? Ito kasi ang iniinom namin ngaking matalik na kaibigan bago ang kinaayawan kong aminan.
Kwentuhan at tawanan ang nagyari muna sa amin. Maraming tawa at maraming lagok ng beer ang nagpatakbo sa oras. Siguro nainip narin ang loko at sinimulan na niya ang mga tanong sa akin. Marami siyang tanong. Marami siyang hakahaka at marami siyang diskriminasyon sa pag iisip na siyang ikinasara ng kanyang utak sa mga ganoong bagay. Ako naman si tanggap ng kanyang puntos laban sa akin at puro oo at hindi lang ang maririnig sa akin.
Tumigil na siya. Ako naman ang magsasabi ng puntos. Umamin na ako sa kanya. Wala na ako magagawa dahil nahuli na niya ako pero sinabi ko naman sa kanya na nasasakanya naman yun kung tatanggapin parin niya ako o hindi. Ang gusto ko lang mangyari bago matapos ang gabi ay maipaliwanag ko sa kanya at mabuksan ang kanyang pagiisip sa mga ganung bagay. Ipinaliwanag ko sa kanya isa isa lahat. Hinimay ko ang bawat hibla ng aking puntos at kung bakit kailangan niya maintindihan yun. Nagtalo pa nga kami sa kung ano ang tama at mali. Ang hirap talaga magpaliwanag sa mga taong sarado ang utak sa isang bagay na 'di niya kayang tanggapin lalo na kung lumaki siya sa kapaligiran na ayaw ng mga ganung bagay.
Hanggang sa tinanggap narin niya. Wala narin naman siya magagawa sapagkat matibay narin naman ang aming pinagsamahan sa loob narin ng ilang taon. Inamin din naman niya na alam narin naman niya ang aking sikreto kahit di ko aminin. Ikinatuwa ko pa na kahit alam niya ang aking sikreto eh tinanggap parin niya ako bilang isang mabuting kaibigan.
Dahil sa pangyayaring ito eh masasabi ko na lalong tumibay ang aming relasyong bilang isang magkaibigan pero siyempre di mawawala yung ilang minsan lalo na kung napapagusapan ang mga ganung bagay ng mga taong malalapit sa amin na hindi naman nakakaalam.
Masaya narin ako at nalaman niya lahat. At least wala na ako matatago sa kanya at masasabi ko rin na mahalag rin ang suporta niya sa akin at isa siya sa mga taong gusto ko makuha ang suporta sa kung saan ako masaya. Salamat at nagkaroon ako ng kaibigang maasahan at makakaunawa sa akin. :)
Beer lang pala katapat nitong dinadala kong takot laban sa kanya. Ngayon alam ko na sa kapangyarihan ng beer at magandang usapan ay magiging maayos ang hidwaan at aminan na gusto mong ideretso at ituwid. Napakasayang pangyayari 'to sa akin at hinding hindi ko talaga ito malilimutan.! :)
Sunday
USAPANG PAGKAIN :)
Isang BUSOG na gabi sa inyong lahat! Grabe ang takaw ko ngayong araw. Wala ako ginawa dito sa bahay kung hindi kumain. Paano ba naman iniwan ako nila mama dito mag isa sa bahay. Pumunta sila lahat sa SM cta.mesa at namili.
Simula pagkagising ko eh kumain na kagad ako ng pritong itlog. Sinudan agad ito ng tanghalian, ang sarap ng ulam namin and I can't really resist haha BATSOY ang ulam namin! Ang dami ko nakain.
Pagkatapos ay nanuod muna ako ng television. Habang nanunuod ako ay kumakain ako ng chocolate wafer at ng strawberry juice. Natatawa nga ako kung bakit kumakain kagad ako eh kakatapos ko lang ng tanghalian.
Naglaro muna ako ng Plants vs. Zombie at habang naglalaro ako alam niyo ba ginagawa ko? haha malamang kumakain nanaman haha! Kumain ako ngfita biscuit. Halos isang oras ako naglaro. Nagutom ako. Naramdaman ko na nagagalit nanaman ang aking haring bulate sa loob ng tiyan ko.
Sa pagkakataong ito, ayoko na ng batsoy. Kumuha ako ng adobong pusit at lumamon ng marami. haha. Ang sarap ng luto eh, humahagod. Hinugasan ko na ang plato. at nag peysbuk.
Dumating ang kapatid ko dito sa bahay. Mag cocomputer daw siya. Hiwalay kami. Siya sa desktop at ako naman sa laptop. Walang pakielamanan haha. Siyempre dumating ang kapatid ko kaya't kelangan ko mag-isip kung anu ipapakain ko sa kanya.
Binuksan ko ang ref at may nakita akong hotdog. Binuksan ko at nagluto ako. Sabi ko para sa kapatod ko to at hindi sa akin. Nang naluto na, ipinakain ko na sa kanya, naiinggit ako! Kaya nagluto din ako ng para sa akin.! Grabe talaga!
Gabi na!. Dumating na sila mama. May dalang deserts. Ayun kumuha ako ng brownies at Coca cola zero haha kain nanaman!
At ngayon naman, habang sinusulat ko ito ay kumakain ako hahah! eto oh, Ice cream na dala ni mama. Sarap eh.
Walang kapaguran ang bunganga ko ngayon. Alam ko may kasalanan nannman ako nito at yun ay ang pagiging matakaw pero ngayon lang naman. Alam ko marami diyang nagugutom at walang makain pero anung magagawa ko.
Sadyang gutomin lang talaga ako ngayong araw, bumawi lang ako sa mga araw na nalipasan ako ng gutom. Bukas, normal na ulit. Basta ang mahalaga naging masaya ang araw ko ngayon dahil nakakain ako ng wasto ngunit hindi tama hahaha :))
Wednesday
Petiks week is next to exam week!
Exams exams exams! This what i hate most nung ako ay nagsimulang pumasok sa kolehiyo.
Ibang iba ang exams sa college. Yung tipong wala ka na talaga panahon mag-aaral tapos bibigyan ka pa ng 2-3 exams sa isang araw lang.
Naalala ko lang na kapag sinabing prelims at finals, naku sasabihin ko sa sarili ko PUYATAN nanaman ito at kung may puyatan, may STRESS na mamamalagi sa katawan ko :) Yun yung mga tipong sinabi na na exam week next week pero wala ka padin inaaral at kung kailan naman kinabukasan na yung exam, dun ka palang mag aaral at ang masakit nun wala ka pala notes o hindi mo alam ang aaralin. hahaha :)
OO nga pala, kaya pala ako napasulat dito sa mahiwagang blog ko eh kakatapos lang ng prelim exams namin kanina. hahaha. Nakakatuwa lang kasi hindi talaga ako natutulog kapag exams. Pagdating ko kanina, ayun natulog ako bigla sa kama at pagkagising ko kumain na at walang iniisip na kung aaralin. In short, PETIKS mode nanaman ulit! hahaha
Anu nga ba ginagawa kapag petiks? Marami pwede gawin no. Magiisip ka lang ng gawain na nakaktamad at petiks na ang tawag dun hahahah :) Ilan sa petiks mode na ginagawa ko.
- Pa facebook facebook nalang
- maging ibon sa twitter
- maging tsismoso sa YM
- magtexttext sa kung sino sa phonebook mo
- maging patabaing baboy
- maging mantika sa pagtulog
- mangulit ng kapatid
Wala ng ginagawa, wala pang problema iisipin kaya kung ayaw mo ng problema maging petiks ka nalang para masaya. Naalala ko minsa, naging petiks ako hindi ko alam kinabukasan na pala yung ipapasang project sa isang subject ko sa eskwelahan. Natatawa nalang ako kapag naalala ko si yung guro ko dun, si Ma'am Alonsabe ata yun haha.
Ang sarap maging petiks. hahaha.Pahiga higa, patext text, pakain kain, panuod nuod :)) Yun nga lang kapag naging petiks ka at sumobra naman lagot ka sa leader mo sa research kasi wala kang ginagawa para sa thesis niyo hahaha :)))
Sige na, maliligo na ako! :)
Subscribe to:
Posts (Atom)